P40B dagdag badyet sa modernization ng AFP

P40B dagdag badyet sa modernization ng AFP

September 12, 2022 @ 2:14 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Sigurado na ang dagdag badyet na P40 bilyon para sa modernization program ng Armed Forces of the Philippines.

Ito ang sinabi ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel nitong Linggo, Setyembre 11 sa isang pahayag.

“The new money for the AFPMP (AFP Modernization Program) in the 2023 national budget is meant to sustain the periodic payments for multi-year modernization contracts, and to make the initial payments for new acquisitions,” ani Pimentel.

Dagdag pa niya, mayroong P40 bilyon na programmed appropriations sa AFP Modernization Program sa susunod na taon at karagdagang P5 bilyon mula sa unprogrammed appropriations.

Mayroon na rin umanong mapagkukunan ng pondo para sa naitakdang programmed appropriations ayon kay Pimentel. RNT/JGC