P40B halaga ng COVID vax, nakaambang masayang

P40B halaga ng COVID vax, nakaambang masayang

April 20, 2022 @ 5:05 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nasa P40 bilyong halaga ng COVID-19 vaccines ang pinangangambahang masayang kung hindi magpapa-booster ang publiko.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na malaking halaga rito ay inutang pa ng gobyerno sa iba’t ibang mga bangko para lamang maipambili ng mga bakuna.

Sa datos ng Department of Finance, umaabot na sa P1.31 trillion ang foreign debt ng bansa na ginastos para sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Kaya apela ni Concepcion sa publiko, huwag sayangin ang mga bakuna na mapapaso na sa Hunyo o Hulyo.

Giit pa niya, hindi na dapat pang hintayin ng mga tao na bumaba ang immunity ng katawan mula sa virus bago sila magpaturok ng booster dose. RNT/ JCM