P40M misdeclared poultry products nasabat ng DA

P40M misdeclared poultry products nasabat ng DA

March 13, 2023 @ 5:49 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Kinumpiska ng Department of Agriculture ang nasa P40 milyon halaga ng misdeclared agricultural product sa Subic port.

Sa pahayag, sinabi ng DA na ang smuggled products ay nakapangalan sa isang Abucayan Business and Trade.

“The team found misdeclared agricultural products that were purported to consist of squid rings but instead contained dressed chicken, duck head, and duck neck, worth approximately PHP40 million,”pahayag ng DA na tumutukoy sa operasyong isinagawa noong Marso 2.

Ang kargamento ay sakay ng dalawang container van na kulang-kulang sa requirements partikular na ang phytosanitary import clearance (SPSIC).

Mahaharap sa reklamong misdeclaration at misclassification of shipment ang Abucayan Business and Trade.

Magsasampa rin ang DA ng reklamong paglabag sa Food Safety Act of 2013 at ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.

“The confiscation of the said shipment is related to the ongoing directives of President Ferdinand R. Marcos Jr. to curb illegal trade activity to enable Filipino farmers and fishers to increase income and make locally grown agricultural products more competitive,” ayon sa DA. RNT/JGC