P41.9M quarantine facility sa Bataan natapos na – DPWH

P41.9M quarantine facility sa Bataan natapos na – DPWH

February 26, 2021 @ 11:27 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nakumpleto na ang P41.9M quarantine facility sa Barangay Alasasin Mariveles, Bataan.

“We have officially turned over to the local government of Mariveles a total of three (3) units of health facilities with individual quarters, comfort rooms, separate quarters for health personnels and nurses’ station to aid in the LGU’s intensified efforts,” ayon kay DPWH Secretary Mark Villar.

Kasama sa proyekto ang pag-convert ng 20-feet container vans sa 16-units ng air-conditioned emergency health facility na may persons with disability (PWD) friendly ramps, portable generator sets, single-phase electrical power distribution system at electrical room.

Maaari ring magamit ang pasilidad kapag natapos na ang pandemya bilang pangunahing mga lugar ng paglikas sa panahon ng mga kalamidad at iba pang health-related emergencies. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •