P412M lotto jackpot, mailap!

P412M lotto jackpot, mailap!

December 18, 2022 @ 9:06 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Mailap pa rin sa mga mananaya ng lotto ang P411,769,310.80 Ultra Lotto 6/58 jackpot na ibinola nitong Biyernes ng gabi, Disyembre 16, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PSCO).

Wala kasing nakatumbok sa winning combinations na 09-23-30-49-33-06.

Pero mayroong 34 mananaya na nakatumbok sa limang numero at mag-uuwi ng P120,000, habang nasa 2,552 ang mag-uuwi ng P2,000.

Ang Ultra Lotto ay ibinobola tuwing Martes, Biyernes, at Linggo sa ganap na 9 p.m.

Samantala, hindi rin natamaan ang jackpot prize para sa Mega Lotto 6/45 sa parehong draw. Ang winning combination ay 30-06-09-21-15-36 para sa jackpot na P89,341,826.40.

Ang Mega Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes sa ganap na 9 p.m. RNT