P419B kailangan para sa 167K kulang na silid-aralan – Pia Cayetano

P419B kailangan para sa 167K kulang na silid-aralan – Pia Cayetano

November 15, 2022 @ 12:10 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Inihayag ni Senador Pia Cayetano na kailangan ng Department of Education (Deped) ang halagang P419 bilyon upang punan o matapos ang kakulangang 167,000 silid aralan sa buong bansa.

Sa kanyang pagdepensa sa badyet ng DepEd, sinabi ni Cayetano na base ito sa 2019 National School Building Inventory na aabot sa aktuwal na 167, 901 silid-aralan ang kulang sa sistema ng pampublikong paaralan.

“[T]he funding requirement to complete all construction of buildings and repair… for the 167,901 classroom shortage, that would require P419 billion,” ayon kay Cayetano sa ginanap na Senate plenary session sa naturang badyet.

Ayon naman ni Senador Risa Hontiveros na makapagtatayo ang DepEd ng 6,000 bagong silid-aralan ang umiiral na badyet ng ahensiya.

Kaya’t naitanong ng mambabatas kung ano ang plano ng ahensiya kung paano tutugunan ang kakapusan.

Itinanong din ni Hontiveros kung inamendahan ng ahensiya ang guidelines na isinasama sa salik ang bagong kondisyon tulad ng mas mataas na kisame at malaking bintana para sa 6,000 silid-aralan upang mapahusay ang bentilasyon sa gitna ng pandemya ng COVID-19.

Bilang tugon, sinabi ni Cayetano na maaaring gamitin naman ang blended learning ngayon.

“In schools where there is inability to deliver a full face-to-face, and this could be because of shortage of classrooms, especially in disaster-stricken areas, blended learning may be availed of,” ani Cayetano.

“On that note, they are reviewing the blended learning programs to really institutionalize this in a way that can be truly used to address this problem that we have,” dagdag ng senador.

Samantala, iniulat naman ni Cayetano na umabot sa 37, 796 silid-aralan ang nasira ng iba’t-ibang kalamidad mula 2016 hanggang 2022. Mula dito, 5,511 ang nasira nitong 2022.

Kaya’t kailangan ng DepEd ng halagang P45.7 bilyon para sa pagkukumpuni nito.

“Even if we spend for 2022, may nasira nung 2020, may nasira nung 2019, and all the way back to 2016. So the grand total is 37,795 classrooms need to be repaired,” ayon kay Cayetano.

Ngunit, sinabi ni Senador Win Gatchalian na kailangan ng DepEd ng P206 bilyon sa pagkukumpunin ng 413,000 silid-aralanna sinira ng lindol at bagyo.

Nagkasundo ang dalawang mambabatas na pagkaisahin ang kanilang numero. Ernie Reyes