P42.2M jackpot sa Megalotto 6/45 nasolo ng Caviteño

P42.2M jackpot sa Megalotto 6/45 nasolo ng Caviteño

March 29, 2022 @ 3:19 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Instant milyonaryo ang isang mananaya mula sa lalawigan ng Cavite makaraang masolo nito ang jackpot prize ng Megalotto 6/45 sa katatapos na draw kagabi sa Mandaluyong City.

Inihayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na nabili ang maswerteng ticket mula sa isang outlet sa Tanza, Cavite na may kombinasyon na 07-25-08-03-12-05 na may jackpot prize na P42,282,132.80. 

Nasa 178 na indibidwal naman ang nakakuha ng lima sa anim na kombinasyon na makakapag-uwi ng tig-P32,000.00.

Nitong Marso 16, nasolo naman ng isang mananaya mula sa Antipolo, Rizal makaraang mahulan ang winning combination ng Lotto 6/42 na may kombinasyon na 25-41-35-39-14-26 at premyong P31,209,194.00.

Upang makobra ang napanalunang tiket, kinakailangan lang na magtungo ang masuwerteng mananaya sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at magdala ng dalawang valid ID’s at ang kanilang winning ticket. Toto Nabaja