P420M crop insurance, nakahanda para sa mga magsasakang apektado ng El Niño

P420M crop insurance, nakahanda para sa mga magsasakang apektado ng El Niño

March 17, 2019 @ 12:09 PM 3 years ago


Manila, Philippines – Kabuuang P420 milyong insurance claims ang inihanda ng gobyerno para sa mga magsasakang apektado ng dry spell na sanhin ng El Niño, ayon sa Philippine Crop Insurance Corp. (PCIC) nitong Sabado.

Ang tagtuyot ay inaasahang magpapatuloy pa hanggang summer at makaaapekto sa suplay ng bigas sa bansa sa unang kwarter ng taon ng nasa 5%, ayon sa estimasyon ng gobyerno.

Sinasabi rin ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na makaaapekto rin ang tagtuyot sa industriya ng asukal na pipigil sa pag-abot ng taunang US quota ngayong taon gayong nakapokus ang bansa sa pagmimintena ng domestic stocks.

Ayon sa ulat kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, sinabi ni PCIC president Jovy Bernabe na ang P420 milyon ay nakabase sa ulat ng nasirang pananim na ipinasa sa huling tala noong ika-15 ng Marso.

Sa susunod na dalawang linggo, ani Bernabe, ang naturang halaga ay maaari nang kunin ng 36,338 magsasaka sa buong bansa.

“The [number of claimants] will still increase as we continue to accept and process the notices of loss of more affected farmers [for] the duration of this drought phenomenon,” ani Bernabe.

Noong nakaraang linggo, nakita sa initial assessment ng Department of Agriculture na kabuuang P464.3 milyong halaga na ng bigas at mais ang napinsala sa huling tala noong ika-11 ng Marso.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), patatagalin pa ng dry spell ang pagpasok ng tag-ulan. Nakaapekro na rin ito sa 13,679 ha ng agricultural lands./Remate News Team