P428 minimum wage increase sa Calabarzon, inihirit!

P428 minimum wage increase sa Calabarzon, inihirit!

April 26, 2022 @ 6:41 PM 2 months ago


Pormal nang naghain ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ng petition na dagdag-sahod para sa mga manggagawa sa Calabarzon.

Ayon kay TUCP Spokesperson Allan Tanjusay, ₱428 ang inihirit nilang minimum wage increase sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa Calamba City, Laguna .

Kasalukuyang nasa P400 lamang ang arawang sahod ng mga manggagawa sa Region 4-A

Ang rehiyon ay binubuo ngmga probinsya ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon. RNT/ JCM