P42M tsongki nasabat sa Kalinga

P42M tsongki nasabat sa Kalinga

December 26, 2022 @ 7:56 AM 1 month ago


TINGLAYAN, KALINGA-Halos umaabot sa P42, 960,000 ang halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana bricks at tubular forms ang nasabat sa Sitio Silay, Poblacion, Tinglayan, Kalinga.

Sa ipinarating na ulat kay Regional Director Gil Cesar Castro, PDEA ng CAR dakong alas-8 ng gabi ng mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit at Drug Enforcement Unit ng Kalinga Police Provincial Office bilang lead unit, Tinglayan Municipal Police Station, RID PROCOR, RPDEU at 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company.

Sa panayam ng REMATE kay PMaj. Dominic Rosario, OIC ng PIU/ PDEU na may isang lalaking indibidwal ang hinihinalang magpupuslit ng saku-sakong marijuana sa Tabuk City na manggagaling sa Tinglayan, Kalinga.

Ang mga sako-sakong marijuana bricks ay patagong nakatambak sa tabi ng National Highway ng Sitio Silay, Poblacion ng nasabing bayan.

Nakumpirma ito ng mga awtoridad kung saan hindi na naabutan ang may-ari ng mga nasabing kontrabando.

Umaabot sa 358 kilos ang kabuuang timbang ng mga nakumpiskang pinatuyong dahon ng marijuana bricks at mga tangkay na may P42.9 milyong Standard Drug Price.

Matapos sa isinagawang inventory ay agad dinala sa Kalinga Forensic Unit ang mga nadiskubreng pinatuyong dahon ng marijuana para sa kaukulang disposisyon.

Samantala, kilala ang bayan ng Tinglayan na number 1 producer ng marijuana sa luzon. Rey Velasco