P442-K shabu nadiskubre sa trak ng mga laruan

P442-K shabu nadiskubre sa trak ng mga laruan

July 11, 2022 @ 9:19 AM 1 month ago


ZAMBOANGA CITY – HINDI nakalusot ang P442,000.00 halaga ng shabu matapos makumspika ng mga awtoridad sa isang truck ng mga laruan Sabado sa Zamboanga International Airport.

Ayon kay Jury Rocamora, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Zamboanga City office chief, nakatanggap sila ng report mula sa isang personnel ng airline na may napansin silang kahina-hinalang parcel sa loob ng isang sasakyan ng mga laruan matapos dumaan sa X-ray inspection.

Agad naman inalerto ang Zamboanga-PNP kasama ang PDEA at kanilang siniyasat ang naturang truck.

Dito, nakita nila nila ang isang supot na binalutan ng makapal at naglalaman ng 70 gramo na shabu na aabot sa halagang P442,000.00.

Ang naturang parcel ay galing sa isang residente sa Barangay San Roque, Zamboanga City patungong Barangay Sta. Monica, Puerto Princesa City, Palawan.

Sinabi pa ni Rocamora na inaalam na nila ang tunay na pagkakakilanlan na dapat sana ay tatanggap ng parcel.

Samantala, sa nakalipas na isang linggo umabot na sa 10 katao ang naaresto ng mga otoridad sa magkakahiwalay na buy bust operation sa lungsod at nasa P875,060 halaga ng shabu ang nakumpiska.

Base sa talaan ng PDEA Zamboanga Peninsula, pangalawa sa pinakamalaking nakuhanan ng droga ay nitong Miyerkules mula sa isang online seller sa Barangay Baliwasan, ng nasabing lungsod.

Sa report ni Col. Alexander Lorenzo, Zamboanga City Police Office director,nakuha mula sa suspek na si Anersa Hassan, 30, ang nasa 50 gramo na hinihinalang shabu na may halagang P340,000.

Nakuha rink ay Hassan 86 piraso na tig P1,000 boodle money na pinatungan ng totoong P1,000 marked money, smartphone, at plastic bag.

Samantala, sinabi naman ni Col. Albert Larubis, Zamboanga Sibugay police director, na nahuli rin nila ang high-value individual suspect na si Khalid Anduhol, 28, ng Barangay Bangkerohan, Ipil.

Narekober kay Anduhol ang P40,500.00 halaga ng shabu at P500 marked money.

Habang ang walong iba pang suspek na naaresto kabilang ang dalawang babae ay nadakip sa magkahiwalay na anti-drug operations Zamboanga del Sur (5), Zamboanga City (2), at Zamboanga del Norte (1).

Sinampahan na ng kasong paglabag sa illegal drugs ang mga naarestong suspek./Mary Anne Sapico