P45M ukay-ukay nasabat ng BOC

P45M ukay-ukay nasabat ng BOC

March 22, 2022 @ 1:36 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Tinatayang nasa P45 milyong halaga ng mga “ukay-ukay” at iba’t ibang pekeng produkto ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa isinagawang operasyon sa Paranaque City.

Bitbit ang inisyung Letter of Authority ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, sinalakay ng mga tauhan ng BOC ang isang bodega sa Baltao, Paranaque.

Sa isinagawang operasyon, nakumpiska ng BOC ang nasa 3,300 bales ng “ukay-ukay” na nagkakahalaga ng P25 milyon at ilang mga pinekeng branded na kasuotan tulad ng Crocs, Adidas, Nike, at iba pa na umaabot sa pagitan ng P15 hanggang P20 milyon.

Dahil dito, ikinandado ng mga awtoridad ang sinalakay na bodega habang isinailalim sa imbentaryo ang mga nasamsam na kontrabando.

“The goods shall be subject to seizure and forfeiture proceedings in violation of Section 118 of R.A. 10863 or the Customs Modernization and Tariff Act in relation to R.A. 8293 or the Intellectual Property Code of 1997 and R.A. 4653 or the Act Prohibiting the Commercial Importation of Textile Articles Commonly Known as Used Clothing and Rags,” ayon sa BOC. JAY Reyes