P47.6-M na shabu kumpiskado sa Cavite

P47.6-M na shabu kumpiskado sa Cavite

June 10, 2022 @ 9:39 AM 3 weeks ago


CAVITE- Syut sa kulungan ang dalawang tulak ng iligal na droga matapos mahulihan ng P47.6 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad, Miyerkules sa lalawigan ito.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Said Ongpe, 39 at Ali Masinger, 22, kapwa taga Barangay Datu Esmael, Dasmariñas City.

Batay sa report ng Cavite Provincial Police Office, bandang 4:30 PM nadakip ang mga suspek sa nasabing lugar.

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng report hinggil sa talamak na bentahan ng shabu sa nasabing lugar at agad nagsagawa ng operasyon ng operatiba ng CPPO.

Nakuha sa mga suspek ang 7-kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P47.6-M.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek./Mary Anne Sapico