P48.5M jackpot sa Ultra Lotto natumbok ng Bulakenyo

P48.5M jackpot sa Ultra Lotto natumbok ng Bulakenyo

March 13, 2023 @ 3:23 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Instant milyonaryo ang isang mananaya mula sa Lalawigan ng Bulacan makaraang mahulaan nito ang winning combination ng Ultra Lotto sa katatapos na draw kagabi, Marso 12.

Sa kalatas ng ahensya, maswerteng nahulaan ang kombinasyon na 13-30-10-22-02-15 na may jackpot prize na P49,500,000.

Nasa 54 indibidwal naman ang makakapag-uwi ng tig-P120,000 makaraang makakuha ng limang kombinasyon.

Ayon kay PCSO Vice Chairman at General Manager Melquiades “Mel” A. Robles, nabili ang maswerteng tiket mula sa isang outlet sa Meycauayan, Bulacan.

Ang Ultra Lotto 6/58 ay binobola tuwing araw ng Martes, Biyernes at Linggo. Toto Nabaja