P49K sweldo inihihirit para sa mga guro

P49K sweldo inihihirit para sa mga guro

October 3, 2022 @ 10:28 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara na naglalayong itaas sa Salary Grade 19 mula sa Salary Grade 11 ang sweldo ng mga guro.

Layon ng House Bill No 4070 ni Quezon City Rep Patrick Michael Vargas na itaas ang sahod ng mga guro dahil ang kasalukuyang sweldong natatanggap nito ay hindi na nakakasapat.

Sa kasalukuyan ay P25,439 ang buwanang sahod ng mga guro at nais ni Vargas na itaas sa salary grade 19 o P49,835.

“With the rising costs of living, many teachers still struggle with the financial limitations of their profession while maintaining the delivery of quality education to our students amid the pandemic,” pahayag ni Vargas.

Aniya, noon pang 18th Congress isinusulong ang taas sahod ng mga guro subalit hindi ito umuusad sa Kongreso.

“We must recognize the dedication and guarantee the retention of competent teachers by ensuring that the remuneration due to them is commensurate to their work load,” giit nito.

Sa kasalukuyan ay nasa 15 panukala ang naihain na sa Kamara ngayong 19th Congress at nanatuli itong nakabinbin sa House Committee on Appropriations.

Maliban sa taas sahod ilang panukalang batas din para sa mga guro ang inihain ni Vargas kabilang dito ang Teaching Supplies Allowance Bill (HB 4072); Distant Public School Teachers Incentive Bill (HB 4073), Health Care for Teachers Bill (HB 4074) at Housing Program for Teachers Bill (HB 4075). Gail Mendoza