P4M halaga ng marijuana binunot

P4M halaga ng marijuana binunot

July 23, 2022 @ 9:00 AM 4 weeks ago


TOLEDO, Cebu City- Natugis ng mga awtoridad ang magkapatid na cultivator ng isang plantasyon ng marijuana matapos madiskubre ang apat na milyon halaga ng pananim kaninang umaga (Biyernes) sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga suspek na sina Richard Cañaleso at kapatid nitong si Caloy Cañaleso, ng Sitio Hikapon, Barangay General Climaco Toledo City.

Sa pinagsamang pwersa ng mga ahente ng PDEA-7, Cebu Police Provincial Office Intelligence Section, 2nd Provincial Mobile Force Company, at Toledo City Police Station, ang may 1,000 square meters na plantasyon ng marijuana.

Ayon kay Leia Alcantara, tagapagsalita ng PDEA-7, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa malawak na taniman ng marijuana.

Pagdating sa lugar mabilis natunugan ng magkapatid na suspek sa presensya ng mga operatiba at nakatakas ang mga ito.

Binunot naman ng mga awtoridad ang may kabuuang 10,000 pananim na marijuana. Mary Anne Sapico