P4M halaga ng ‘shabu’ nasabat sa buy-bust ops sa Pasay

P4M halaga ng ‘shabu’ nasabat sa buy-bust ops sa Pasay

January 21, 2022 @ 5:24 PM 8 months ago


MANILA, Philippines- Aabot sa P4 na milyon ang halaga ng hinihinalang shabu na nasabat sa buy-bust operation sa Roxas Blvd, Brgy. 76 Pasay City.

Kinilala ang isa sa mga naaresto sa operasyon na si Madona Romaquera, alyas “Dona”.

Nahuli ang suspek sa ikinasang drug buy-bust operation ng PNP Drug Enforcement Group sa parking lot ng HK San Plaza kaninang alas-1 ng hapon.

Bumili ang isang pulis na nagpanggap na buyer ng P50,000 halaga ng shabu sa suspek, na nagresulta sa pagkaka-aresto nito.

Napag-alaman na sa Sampaloc, Maynila sana ang  unang transaksyon ng  suspek subalit dinala nito ang mga pulis sa Pasay kung saan sya nahuli.

Nakumpiska mula sa suspek ang pitong supot na naglalaman ng 700 gramo ng hinihinalang shabu at buy-bust money.

Patuloy ang imbentaryo ng mga pulis sa mga nakumpiska  mula sa suspek. Dave Baluyot