P5.024T 2022 nat’l budget nilagdaan na ni PRRD

P5.024T 2022 nat’l budget nilagdaan na ni PRRD

December 30, 2021 @ 12:14 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Opisyal nang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang ₱5.024 trilyong national budget para sa taong 2022.

Ito ang itinuturing na pinakamalaking national budget sa kasaysayan ng Pilipinas.

Layon nito na pondohan ang mga programa na pagaanin ang epekto ng COVID-19 pandemic.

Sa naging talumpati ni Pangulong Duterte sa Rizal Hall, Malakanyang sa isinagawang Signing of the Geenral Appropriations Act of 2022, ipinahayag nito ang kanyang pasasalamat sa dalawang kapulungan ng Kongreso dahil sa pagpapasa ng ₱5.024-trillion national budget.

Pinasalamatan niya ang mga mambabatas matapos tiyakin ang napapanahon na pagratipika sa national budget.

“Maubos kaya natin ‘to?,” ang tanong ng Pangulo.

Kinilala rin ng Pangulo ang pagsisikap ng mga government agency, mga naging katuwang sa civil society at iba pa civil servants na naging bahagi sa paglikha ng napakahalagang batas na ito.

Aniya ang pagpapasa ng GAA of 2022 ay sumalamin sa pagtutulungan ng lahat ng sangay ng pamahalaan na aniya’y mahalaga para makamit ang national development goals lalo na aniya ngayong panahon na may kinahaharap na pagsubok.

“The 2022 budget reaffirms the government’s strong commitment to provide a more comfortable and productive life for each Filipino,” ayon sa Pangulo.

“This will also cement this administration’s legacy of real change for future generations, guided by the three main pillars of Building Resilience amidst the Pandemic, Sustaining the Momentum towards Recovery, and Continuing the Legacy of Infrastructure Development,” dagdag na pahayag nito.

Samantala, ang pagtatatag naman ng Department of Migrant Workers ay nangyari kasabay ng pagdiriwang ng Rizal Day, pagbibigay pugay hindi lamang sa exceptional love ng bansa kay Dr. Jose Rizal, kundi maging sa “patriotism, excellence and courage of our modern-day heroes,” kabilang na ang mga overseas Filipino [workers].

“As we mark the signing of the 2022 National Budget and other specific laws that will benefit all Filipinos—let us all emulate Rizal’s heroism and courage by serving our country with dedication, integrity and accountability and by doing what is right and just for our people.”

Wala na aniyang mas makabubuti pang paraan para pagsilbihan ang mga mamamayang filipino kundi ang bigyan ang mga ito ng tapat, epektibo at responsive government na deserve ng mga ito. Kris Jose