P5.22B intel funds ng PBBM admin gamitin vs gun-for-hire syndicates – Chiz

P5.22B intel funds ng PBBM admin gamitin vs gun-for-hire syndicates – Chiz

March 6, 2023 @ 4:15 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Mistulang kinalampag ni Senador Chiz Escudero ang administrasyong Marcos na gamitin ang mahigit P5.22 bilyong intelligence funds nito upang tugisin at tuluyan nang masugpo ang gun-for-hire syndicates na pumapatay sa mga lokal na opisyal.

Sa pahayag, sinabi ni Escudero na magagamit ng administrasyong Marcos ang mahigit P5.22 bilyong intelligence funds sa paglulunsad ng giyera laban sa mga sindikato ng bayarang killers.

“Only the identification and dismantling of groups of hired killers can
assassinations be stopped,” ayon kay Escudero saka kinondena ang lantarang pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo sa loob mismo ng tahanan nito.

Sinabi ni Escudero na malinaw na malinaw ang mga senyales sa brutal na pagpaslang sa gobernador na naging cottage industry sa Pilipinas sa hired-killer.

Iminungkahi din ni Escudero na gamitin ang naturang intelligence funds na ipamahagi sa kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na maaaring mapagkunan sa paglikha ng database ng mga killers.

“And if these perpetrators have pending warrants of arrest and they are
armed and dangerous, then that listing could be an order of battle,” giit niya.

“Kaya kahit mahuli pa ang pumatay kay Governor Degamo, hindi garantiya
‘yan na walang kasunod kung merong mga kriminal na ginawang negosyo ang pagkitil ng buhay,” ayon kay Escudero.

“Killings eventually become a revolving door phenomenon if we do not
neutralize the actors now and in the long run, fix the kinks in our justice system,” dagdag ng senador.

Binanggit din ni Escudero na napukaw ang atensyon ng media sa pagpaslang kay Degamo at iba pang halal ng opisyal ng bayan, ngunit, mas marami pang pagpatay sa ordinaryong mamamayan ang nananatiling nakasulat lamang sa police blotters.

“Gobernador man o negosyante o manggagawa, parehong sigasig dapat ang
ipakita ng kapulisan sa pagbigay hustisya sa kanila,” giit ni Escudero.

Aniya: “murders done with impunity, which remains unsolved, have given
rise “to copycat killings.”

“People get emboldened if they see murders go unsolved. Kapag hindi
nahuli, it incentivizes future acts. Maraming nagsasabi na bakit pa
ipa-papulis o magsasampa ng kaso na gagastos pa na meron naman shortcut.
‘Yan ang kalunus-lunos na katotohanan sa maraming lugar, “ ayon kay Escudero. Ernie Reyes