P5.268-T budget sa 2023, sinertipikahang ‘urgent’ ni PBBM

P5.268-T budget sa 2023, sinertipikahang ‘urgent’ ni PBBM

September 27, 2022 @ 7:12 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinertipikahang ‘urgent’ ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapasa sa General Appropriations Bill (GAB) na naglalaman ng P5.268-trillion National Expenditure Program para sa taong 2023.

Si House Speaker Martin Romualdez ang tumanggap ng one-page letter mula sa Pangulo na may petsang Setyembre 16, nanawagan ng agarang pagsasabatas ng House Bill (HB) No. 4488.

Naniniwala ang Pangulo na kailangan na ang agarang pagpapasa sa national budget upang kagyat na matugunana ng mga mga pangangailangan para mapanatili na nagpapatuloy ang government operations kasunod ng pagtatapos ng kasalukuyang fiscal year, palakasin pa ang pagsisikap sa pagtugon sa COVID-19 pandemic, at suportahan ang inisyatiba tungo sa national economic recovery.

“The urgent certification from the president allows the approval of a bill on second and third reading on the same day,” ayon sa ulat.

Matatandaang, ipinasa na ng Department of Budget and Management (DBM) noong buwan ng Agosto ang panukalang P5.268 trilyong pambansang pondo para sa taong 2023.

Sa social media post, sinabi ng Office of the Press Secretary na tinanggap ni House Speaker Martin Romualdez ang Proposed Budget for Fiscal Year 2023.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, ang panukalang budget para sa susunod na taon ay “proactive” at “resilient.”

“It is designed to withstand future risks, challenges and shocks. Filipinos have bravely faced disasters and crises in recent years and not withstanding the uncertainties, we have witnessed the strength of our economy and the resilience of our countrymen as seen by the country’s economic expansion,” wika ni Pangandaman.

Ang panukalang budget para sa susunod na taon ay mataas ng P244 billion kumpara sa 2022 national budget na P5.024 trillion.

“We have identified the priority sectors in our 2023 National Expenditure Program, which stands at P5.268-Trillion and 4.9 percent higher than this year’s budget. These priority sectors include education, infrastructure development, health, agriculture and social safety nets,” ayon sa Kalihim. Kris Jose