P5.268T budget pasado na sa Kamara

P5.268T budget pasado na sa Kamara

September 29, 2022 @ 7:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Pinagtibay na ng House of Represetatives sa ikalawa, ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 4488 o 2023 General Appropriations Bill (GAB).

Nasa 289 mambabatas ang bumoto pabor sa P5.265 trillion proposed budget at tatlo ang tumututol na pawang mula sa Makabayan Bloc.

Ang budget ay lumusot 37 araw mula nang isumite ito sa Kamara haang isang 1 linggo ang ginawang House sponsorship at deliberations.

Ang mabilis na pagpasa sa budget ay resulta na rin ng pagsertipika dito ni Pangulong Bongbong Marcos bilang urgent bill, dahilan upang ipasa ito sa ikalawa at ikatlong pagbasa sa loob lamang ng isang araw.

Ang GAB ay isusumite ng Kamara sa Senado at pagkaraan ay magsasagawa ng bicameral conference upang resolbahin ang mga pagkakaiba sa desisyon ng dalawang kapulungan.

Bumuo rin ang Kamara ng isang small committee na siyang tatanggap ng individual amendments para sa proposed budget.

Kabilang sa small committee sina Appropriations Committee Chair Elizaldy at Senior Vice Chair Stella Quimbo, Majority Leader Mannix Dalipe at Minority Leader Marcelino Libanan. Gail Mendoza