P5.2B cash aid para sa 9.8M mahirap na Pinoy, malapit nang ipalabas – DSWD

P5.2B cash aid para sa 9.8M mahirap na Pinoy, malapit nang ipalabas – DSWD

December 1, 2022 @ 4:20 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Malapit nang ipalabas ang third tranche ng cash aid program ng pamahalaan para sa mahihirap na nagkakahalaga ng P5.2 bilyon, ayon sa Department of Social Welfare and Development nitong Huwebes.

“We intend to release this budget as soon as possible because this will just be released to the cash card of our beneficiaries,” pahayag ni Social Welfare Undersecretary Edu Punay.

Nagpalabas na ang Department of Budget and Management ng P5.2 bilyon para pondohan ang one-month requirement ng Targeted Cash Transfer program ng DSWD. Tinatayang 9.8 milyong indibidwal ang makikinabang dito.

Sa ilalim ng programa, magkakaloob ng P500 monthly subsidy sa mahihirap na pamilya sa loob ng anim na buwan upang maibsan ang epekto ng mataas na presyo ng langis at iba pang bilihin.

Nauna nang inisyu ng DBM ang halo P10.33 billion, saklaw ang dalawang buwan ng cash transfers para sa 10 million beneficiaries.

Sa naunang televised briefing, sinabi ni Punay na ang pamamahagi ng cash aid para sa buwan ngJuly ar August o sa unang 2 tranches ng programa ay hindi pa tapos.

Sinabi niya na kailangan pa ng DSWD ng karagdagang P20 billion para makumpleto ang 6-month TCT program.

Hindi bababa sa 12.4 milyong Pilipino ang ang eligible para satargeted cash transfer, 2.4 million ang umano’y nasa waitlist ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o ilan sa social programs ng ahensya. RNT/SA