P5.3M ismagel na yosi winasak ng BOC sa Palawan

P5.3M ismagel na yosi winasak ng BOC sa Palawan

August 21, 2022 @ 3:03 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Tinatayang nasa higit P5 milyon halaga ng mga ismagel na sigarilyo ang sinira ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Sub-port ng Puerto Princesa sa lalawigan ng Palawan.

Pinangunahan ni Puerto Princesa Port Collector Gladys Fontanilla-Estrada ang pagsira sa may 207 kahon at 3,507 ream ng mga smuggled na sigarilyo sa presensya ng Philippine National Police Maritime Group, Philippine Coast Guard Palawan, at National Bureau of Investigation Puerto Princesa District Office.

Ang mga kargamento ay ginutay-gutay at ibinabad sa tubig upang hindi na ito mapakinabangan sa Palawan Flora and Fauna Watershed Reserve sa Irawan, Puerto Princesa City alinsunod sa Section 1146 at 1148 ng Customs Modernization and Tariff Act, sa rekomendasyon ng Condemnation Committee na pinamumunuan ni Deputy Collector Filemon L Mendoza Jr at Auction and Cargo Disposal Unit Chief Jeremias C. Leaño.

Nauna rito, ang kargamento ay iniutos na i-forfeit ni District Collector Ma. Rhea M. Gregorio na pabor sa pamahalaan dahil sa paglabag sa mga batas, alituntunin, at regulasyon. JAY Reyes