P5.3M natagpuang lumulutang ng 2 mangingisda

P5.3M natagpuang lumulutang ng 2 mangingisda

December 17, 2022 @ 4:45 PM 1 month ago


ZAMBOANGA CITY- Hawak na ng mga awtoridad ang kilo ng cocaine na nagkakahalaga ng P5.3 milyon na narekober mula sa baybayin ng South Ubian, Tawi-Tawi, ayon sa kapulisan nitong Sabado.

Sinabi ni Col. Richard Verceles, operations chief ng Area Police Command-Western Mindanao, itinurn-over ang cocaine ng dalawang mangingisda kay Murpred Asdain, barangay chairperson of Bubuan ng South Ubian.

Batay sa police report, nangingisda si Sabri Iskan at kanyang kapatid na si Alih, nang mamataan ang isang lumulutang na bagay na nakabalot sa plastic na sa katubigan ng Barangay Bubuan nitong Huwebes.

Sinabi ni Verceles na dinala ng South Ubian cops at Marine troops ang narekober na iligal na droga sa Tawi-Tawi capital Bongao nitong Biyernes ng hapon at ibinigay na sa Philippine Drug Enforcement Agency.

Ayons sa mga awtoridad, sinadyang iwan ang illegal package para sa targeted recipients subalit naunahan sila ng mga mangigisda. RNT/SA