P5.7M shabu nakumpiska sa C. Visayas sa 24 oras

P5.7M shabu nakumpiska sa C. Visayas sa 24 oras

November 22, 2022 @ 10:39 AM 5 days ago


CEBU CITY —Higit sa P5.7M halaga ng shabu ang nakumpiska sa loob ng isang araw na pinaigting na operasyon ng Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO) sa Central Visayas, iniulat kahapon.

Ayon kay Police Brigadier General Roderick Augustus Alba, director of the Police Regional Office Central Visayas (PRO-7), ang mga nakumpiskang iligal na droga ay mula sa higit 140 illegal drug operations na isinagawa sa loob ng 24-oras mula 12:01 AM ng Sabado Nov. 19 hanggang 12:01 ng Linggo Nov. 20, 2022 sa nasabing rehiyon.

Narekober ng mga awtoridad ang kabuuang 846.42 gramo ng hinihinalang shabu at 1.4 kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P180,000.00.

Maliban sa operasyon ng pulisya laban sa iligal na droga, sa loob ng 114 na operasyon naaresto ang 226 na indibidwal dahil sa ilegal na sugal na may P20,000 bet money.

Habang nadakip naman sa bisa ng warrant of arrest ang 244 wanted persons kabilang ang 38 na Most Wanted Persons.

Sa 155 naman na operasyon 20 katao ang nadakip laban sa loose firearms at sa 33 operation ng Oplan Katok, nakumpiska ang 124 unlicensed firearms at 4 na bomba.

Sinabi pa ni Alba na ang mahigpit nilang operasyon sa pagpapatupad ng batas sa Central Visayas ay bahagi ng seguridad sa paghahanda ngayon holiday season.

Samantala, mayroon naman 30 operasyon ang Cebu City Police Office kontra illegal drugs.

Ayon kay Police Colonel Ireneo Dalogdog, CCPO director, nakumpiska ang P1.9M halaga ng shabu habang may kabuuan 78 katao ang inaresto.

Umabot sa 38 ang naaresto sa anti-illegal gambling, 5 sa unlicensed firearms at nakuhanan ng 6 na baril sa Oplan Katok; 26 ang wanted person at 3 sa mga ito ay nasa Most Wanted Persons./Mary Anne Sapico