P5.8B iligal na droga nasamsam ng PNP mula Hulyo 1 – Agosto 20

P5.8B iligal na droga nasamsam ng PNP mula Hulyo 1 – Agosto 20

August 22, 2022 @ 6:36 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) ang halos P5.8 bilyong halaga ng iba’t ibang iligal na droga sa operasyon ng Drug Enforcement Group (DEG) nitong mula Hulyo 1 hanggang Agosto 20.

“From July 1 to August 20, 2022, the PNP, mainly through the efforts of the PNP Drug Enforcement Group, gained significant headway in the campaign against illegal drugs with the arrest of 8,934 suspects and high-profile players in the drug trade, and confiscation of 805.63 kilograms of crystal meth or shabu, 83.33 kilograms of marijuana, other illegal substances, and destruction of 34 clandestine marijuana farms, all estimated to be worth PHP5.8 billion,” ani PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. sa isang presser sa Camp Crame nitong Lunes.

Aniya, resulta ito ng operasyon na nagpapatunay ng agresibong intelligence-driven supply reduction strategy bilang suporta sa anti-illegal drugs campaign, na may pagdidiin sa “non-violent methods” ng pag-aresto habang sinisiguro ang proteksyon ng operating teams habang nakikipagbakbakan sa mga armadong suspek sa pamamagitan ng proper equipment at training.

“It should be worthy to note that the objective of law enforcement to effect the arrest of the offender has been satisfied in these operations with only barest minimum application of reasonable and necessary force, and consistent with requirements of transparency thru digital recording, presence of witnesses, and proper authority of operating units,” giit ni Azurin.

Sinabi niya na ang agresibong anti-criminality at drug campaign ng PNP ay programa ng organizational discipline sa pamamagitan ng kombinasyon ng “preventive, punitive, and restorative approaches to internal reform.”

“I would like to point out that mitigation of drug problems was specifically mentioned by President Ferdinand R Marcos Jr. to visiting US Senator Edward Markey last Friday as among areas of partnership with the United States that the Philippines is looking forward to, along with renewable energy use, agricultural development, and economic reform,” aniya.

Samantala, sinabi rin ni Azurin na seryoso ang PNP sa pagpapaigting ng Internal Cleanliness Policy nito para sa mga pulis na patuloy na sumusuway sa mga alituntunin at pagbabago.

Aniya, pasimula pa lamang ito ng mas malakas na internal na reporma He said this is just a preview of stronger internal reform efforts sa ilalim ng Malasakit, Kaayusan at Kapayapaan tungo Kaunlaran or ‘M+K+K=K’ strategic framework sa pamamagitan ng Kasimbayanan synergy ng kapulisan, simbahan, at komunidad. RNT/SA