P5.9 Jackpot sa Lotto 6/42 paghahatian ng 2 mananaya

P5.9 Jackpot sa Lotto 6/42 paghahatian ng 2 mananaya

November 9, 2022 @ 9:17 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Paghahatian ng dalawang maswerteng mananaya sa Lotto 6/42 ang jackpot prize makaraang mahulaan ng mga ito ang winning combination sa katatapos na draw kagabi.

Sa kalatas na inilabas ng Philippine Charity Sweepstakes Office nahulaan ng mga ito ang kombinasyon na 09-06-29-07-05-19 na may jackpot prize na P5,940,000.00

Ayon kay PCSO General Manager Melquiades ‘Mel’ Robles, nabili ang isang tiket mula sa isang outlet sa Lipa, Batangas habang ang isa naman ay mula sa isang outlet sa Saj Antonio, Zambales.

Nasa 78 indibidwal naman ang makakapag-uwi ng tig-P24,000.00 makaraang makakuha ng limang kombinasyon.

Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing araw ng Martes, Huwebes at Sabado.

Upang makubra naman ang kanilang napanalunan magtungo lamang sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at dalhin ang kanilang maswerteng ticket at magdala ng dalawang balidong ID’s. Toto Nabaja