P5.9M jackpot sa Lotto 6/42 muling natumbok

P5.9M jackpot sa Lotto 6/42 muling natumbok

June 19, 2022 @ 3:40 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Matapos masolo ng isang mananaya mula sa lalawigan ng Cavite ang P9.4 milyong jackpot sa lotto 6/42 noong nakaraang Huwebes agad itong nasundan kagabi ng isang mananaya mula sa lalawigan ng Batangas.

Sa kalatas na inilabas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nahulaan ng maswerteng mananaya ang winning combination na 08-15-11-23-36-33 na may premyong P5,940,000.

Nabili ang nasabing ticket mula sa isang outlet sa Taal, Batangas. Samantalang 23 indibidwal naman ang makakapag-uwi ng tig-P24,000.00 makaraang makakuha ng lima sa anim na kombinasyon.

Hindi naman nahulaan ng 31 indibidwal ang winning combination ng Grandlotto 6/55 na may kombinasyon na 48-55-21-05-18-52 at premyong P219,236,988.40. Makakapag-uwi naman sila ng tig P100,000 makaraang makakuha sila ng anim na kombinasyon.

Ito na ang ikaapat na milyonaryo ngayong buwan ng Hunyo, una rito isang mananaya mula sa Las Piñas City ang nakakuha ng winning combination na 08-15-11-23-36-33 na may premyong P5,940,000 noong Hunyo 09.

Hunyo 16, mula sa Amadeo, Cavite naman ang nakakuha ng lotto 64/42 na may kombinasyon na 33-31-13-41-25-18 at premyong P9,423,997.80.

Hunyo 17, nabili naman ng maswerteng mananaya ang kanyang ticket sa Megalotto 6/45 mula sa isang outlet sa Malabon Metro Manila na may kombinasyon na 10-12-02-27-03-18 at premyong P103,269,281.60.

Batay sa talaan ng ahensya, ito ang ikatlong jackpot prize ng kanilang palaro ang nasungkit ng mga masuswerteng mananaya sa Linggong ito at ikaapat naman sa Buwang ito,

Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing araw ng Martes, Huwebes at Sabado.

Upang makobra ang napanalunang tiket, kinakailangan na magtungo ang masuwerteng mananaya sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at magdala lang ng dalawang valid ID’s at ang kanilang winning ticket. Toto Nabaja