P500 sapat na sa Noche Buena ng pamilya – DTI

P500 sapat na sa Noche Buena ng pamilya – DTI

December 7, 2022 @ 6:25 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kung noong nakaraan ay sinabi na kasya na ang P1,000 na badyet sa Noche Buena ng pamilya, kaya pa pala ang P500!

Ito ang sinabi ng Department of Trade and Industry nitong Miyerkules, Disyembre 7 kung saan sinabi na sapat ang P500 badyet sa Noche Buena ng pamilya na may apat hanggang limang miyembro.

Ayon sa ilang opisyal ng DTI na nag-ikot sa palengke sa Pasig, diskarte lamang ang kailangan sa pamimili at kailangan ng bundled items para makatipid.

Dagdag pa, malaking tulong din anila ang price guide sa noche buena item na kanilang inilabas.

Bilang halimbawa, sa halagang P500 umano ay maaari nang makapaghanda ng spaghetti, salad, Pinoy pandesal, keso at hamon sa kabuuang halaga na P488.

Sinabi rin ni DTI undersecretary Ruth Castelo na kasya ang P500 pambili ng mga pangunahing bilihin sa kabila ng 8% na inflation rate noong Nobyembre. RNT/JGC