P5,000 aid para sa mga guro target ipamahagi ngayong linggo

P5,000 aid para sa mga guro target ipamahagi ngayong linggo

August 23, 2022 @ 6:20 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Asahan na ng public school teachers na hindi pa nakatatanggap ng P5,000 cash mula sa pamahalaan na makukuha ito sa linggong ito, ayon sa Department of Education (DepEd) nitong Martes.

Target ng DepEd na makumpleto ang one-time cash grant, kung saan matatapos na ang distriusyon sa Metro Manila, base kay spokesperson Michael Poa.

“We have already downloaded the funds to the schools division offices,”ani Poa. “Who are going to get this? All public school teachers with at least one teaching load will be entitled to a P5,000 cash allowance for teachers. We started distributing the amount through the schools division office.”

“Yesterday from NCR (National Capital Region), almost 100% na po ang nakakuha ng P5,000,” aniya pa. “Kung meron mang di nakakakuha it’s up to the timing difference lang with the bank crediting.”

Dagdag pa ni Poa: “We are targeting to be able to distribute the ₱5,000 to teachers nationwide within the week.”

Nauna nang sinabi ng DepEd na layon ng cash allowancna tulungan ang mag guro sa paghahanda sa bagong school year.

Mayroon ding hiwalay na P3.7 billion na nakalaan para sa mga pampublikong paaralan bilang karagdagang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) upang matiyak na well-equipped na magpatupad ng health protocols, gaya ng pagbili ng COVID-19 related items kabilang ang face masks at alcohol, batay sa departamento.

Sa panukalang P5.268 trilyong national budget para sa 2023, nakatakdang matanggap ng departamento ang P710.6 bilyon sa taong ito. Subalit, inirerekomenda ng ahensya na maglaan pa ng mahigit P800 bilyon upang pahusayin kalidad ng edukasyon at teaching standards.

Target din nito na magtayo ng mas maraming silid-aralan, pagbibigay ng karagdagang desks at arm chairs, at pag-hire ng mas maraming mga guro upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral. RNT/SA