P500B lugi ng Pinas kada taon sa tax evasion

P500B lugi ng Pinas kada taon sa tax evasion

February 22, 2023 @ 11:38 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nalulugi ang gobyerno ng hindi bababa sa ₱500 bilyon bawat taon sa tax evasion, ayon sa pinuno ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

“If isasama natin yung illicit trades, sa sigarilyo pa lang nasa halos ₱100 billion na yan. Wala pa yung leakage sa petroleum, yung hindi rehistrado at sa pagbebenta ng pekeng resibo. Siguro hindi bababa sa ₱500 billion kung susumahin mo,” ani BIR Commissioner Romeo Lumaguihe.

Sinabi ng bureau na paiigtingin nito ngayon ang kampanya laban sa mga tax evader para i-plug ang mga tax leaks.

Noong unang bahagi ng buwang ito, nagsampa ang BIR ng 74 na tax evasion complaints na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱3.58 bilyon laban sa ilang indibidwal at corporate taxpayers.

Nasa ₱2.599 trilyon ang target collection ng BIR para sa 2023 – 13% na pagtaas mula sa ₱2.3 trilyon noong 2022. RNT