P500K kumpiskadong paputok sinira sa QC

P500K kumpiskadong paputok sinira sa QC

January 1, 2023 @ 10:10 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinira ng Quezon City Police District nitong Sabado, Disyembre 31 ang mahigit P500,000 halaga ng mga nakumpiskang paputok sa nasabing lungsod.

Ito ay bahagi ng pyrotechnics ban ng lokal na pamahalaan.

Ani QCPD Director Nicolas Torre III, ang ilang mga items na nakumpiska at sinira ay ang pla-pla, fountain, sinturon ni hudas, lusis, super lolo at kwitis.

Layon ng hakbang na ito na mapababa ang insidente ng firecracker-related injuries at mga sunog.

“Ang mga nagtitinda nang walang permiso ay pipigilan natin kasi ang pagte-trade nitong paputok ay covered ng regulasyones for safety and security,” sinabi ni Torre.

“Kung makita namin na iligal per se ang paputok at ang design ay hindi allowed tulad ng watusi na ipinagbabawal… yun ang mga kinukumpiska natin.”

Kamakailan ay naglabas ng executive order si Quezon City Mayor Joy Belmonte na nagbabawal sa paggamit ng paputok sa mga tirahan.

Itinatakda naman ang fireworks display sa SM North, Eastwood at Quezon Memorial Circle. RNT/JGC