P500K na ayuda ni Greta kay Clau, itinigil!

P500K na ayuda ni Greta kay Clau, itinigil!

January 21, 2022 @ 2:06 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Noong isang taon ay balitang nagsimulang bigyan ni Gretchen Barretto ng P500,000 kada buwan ang nakakabatang kapatid na si Claudine.

Kilalang generous ang socialite actress na pinasok na rin ang negosyo.

Kumbaga, hindi man siya aktibo sa showbiz ay may pinagkakakitaan nang malaki si Gretchen.

Proof of her generosity ay ang pamamahagi niya ng mga “love boxes” sa mga miyembro ng entertainment press.

Pati kapwa artista ni Gretchen ay binahaginan din niya.

Mas lalong generous si La Greta sa kanyang pamilya, and a case in point nga’y ang sustento niya kay Claudine.

Kaso, balitang itinigil na raw ni Gretchen ang pagbibigay ng kalahating milyong piso kada buwan.

Ayon sa vlog ni Ogie Diaz, may isa umanong kundisyong nabigong tuparin ni Claudine hence the allowance stopped.

Pero nilinaw naman sa talakayan nila ng ka-tandem na si Mama Loi na walang kaugnayan ang napabalitang pagbabati nina Claudine at Marjorie bago salubungin ang Bagong Taon.

Ayaw nilang tukuyin ang eksaktong dahilan pero naninindigan si Ogie na labas ang Marjorie-Claudine reconciliation kung bakit itinigil na ng kanilang ate ang P500K monthly allowance sa comebacking actress.

Mabigat kaya ang dahilan? If so, what could it possibly be? Ronnie Carrasco III