P500K pork products nasabat sa Negros Occidental

P500K pork products nasabat sa Negros Occidental

January 27, 2023 @ 4:02 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Aabot sa P500,000 halaga ng karneng baboy at iba pang poultry products ang nasabat sa Negros Occidental at sa Bacolod City sa unang tatlong linggo ng Enero.

Ayon kay Dr. Placeda Lemana, acting provincial veterinarian, nitong Huwebes, Enero 26 ay nasa 331.75 kilo ng assorted pork-products ang nasabat ng African Swine Fever Task Force mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa mga pantalan, checkpoint at palengke sa probinsya mula Enero 1 hanggang Enero 22.

Mula Enero 14 hanggang Enero 20 naman, nainspeksyon ng quarantine team ang nasa 3,592 paparating na sasakyan at refrigerated container van sa mga checkpoint sa probinsya at tanging ang mga produktong may kumpletong dokumento ang pinapayagan nilang pumasok.

Matatandaan na ipinatupad ang ban sa pagpasok ng pork at poultry products sa probinsya para maprotektahan ang local poultry industry sa banta ng African swine flue. RNT/JGC