P500K premyo alok ng Malakanyang sa Parol-Making contest

P500K premyo alok ng Malakanyang sa Parol-Making contest

November 10, 2022 @ 7:20 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Inanyayahan ng Malakanyang ang publiko na lumahok sa kanilang Nationwide Parol-Making Competition kung saan P500,000 ang naghihintay na premyo sa mananalo.

Sa FB post ng Social Secretary’s Office, sa Nobyembre 14 ay iaanunsyo nito ang mga Provincial winners at pagdating naman sa Nobyembre 19 ay kailangan na nadala na sa Malakanyang ang mga parol na nanalo sa provincial level habang sa Disyembre 3 naman ang lighting event.

“Ibida ang kahusayan at pagkamalikhain ng inyong probinsya sa paggawa ng parol! ilang araw na lang ang natitira para ipasa ang inyong mga entry sa Isang Bituin, Isang Mithiin: Nationwide Parol-Making Competition,” ayon sa SSO.

Sa Nobyembre 22, ang judgement day na kung saan P500,000 ang ibibigay sa 1st place; P300,000 naman sa 2nd place habang P100,000 naman sa 3rd place

Batay sa criteria for judging, 30% ay “compliance with Parol classification, 25% para sa use of endemic materials, 25% para sa craftsmanship at 20% naman para sa creativity

Ang mga tatayong hurado sa nasabing pakontes ay sina Tourism Secretary Christina Frasco, DILG Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr., Ginoong Jonathan Matti, Kenneth Cobonpu, at Bb. Dawn Zulueta.

Para sa karagdagan aniyang impormasyon, maaaring magtungo saSocial Secretary’s Office o magpadala ng mensahe sa sosec@malacanang.gov.ph. Kris Jose