P50K halaga ng donasyon tinangay sa loob ng simbahan

P50K halaga ng donasyon tinangay sa loob ng simbahan

November 6, 2022 @ 1:26 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Tinangay ang aabot sa P50,000 halaga ng mga donasyon sa loob ng isang simbahan sa Pagsanjan, Laguna.

Ayon sa report mula sa Philippine National Police Police Regional Office IV-A, nadiskubre ang insidente nitong Sabado, Nobyembre 5 sa Diocesan Shrine of Our Lady of Guadalupe sa Barangay Poblacion I.

Sa inisyal na imbestigasyon, inakyat ng mga hindi pa tukoy na suspek ang bakod na nasa likod ng simbahan at pagkapasok ay winasak pa ang pintuan ng mga grills sa opisina nito.

Nakuha ng mga suspek ang mga pera at cellphone kasama ng laman ng tatlong donation boxes.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon kaugnay ng nangyaring insidente. RNT/JGC