P50K reward alok ni Ejercito sa impormasyon vs driver na sumagasa sa traffic enforcer

P50K reward alok ni Ejercito sa impormasyon vs driver na sumagasa sa traffic enforcer

June 6, 2022 @ 3:24 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ni Senator-elect JV Ejercito ngayong Lunes na magbibigay siya ng pabuya sa sinomang makapagbibigay ng tip sa karoroonan ng drayber na nag-hit-and-run sa isang sekyu at traffic enforcer sa Mandaluyong City nitong Linggo.

Sinabi ni Ejercito sa isang tweet, na magbibigay siya ng P50,000 reward kapalit ng impormasyon sa kinaroroonan ng SUV driver.

“Putting up a P50K reward for any info regarding this evil and idiot driver who purposely ran over a traffic enforcer,” saad sa kanyang tweet.

Isiniwalat din niya ang ilang impormasyon ng tinawag niyang ‘idiot’ o bobong driver ng SUV.

“Details of idiot’s driver vehicle: Toyoto RAV-4; Plate number: NCO-3781.”

Sa kuha na cellphone video ng isang Katherine Kaye, makikitang nabundol ng SUV ang biktima at saka ginulungan pa bago tumakas. RNT