P50M itutustos ng DOLE sa emergency employment sa CAR, Ilocos

P50M itutustos ng DOLE sa emergency employment sa CAR, Ilocos

July 29, 2022 @ 6:39 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Inilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang iba’t ibang aid programa para sa mga biktima ng lindol sa Northern Luzon.

Sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na ang naturang hakbang ay tugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.’s sa mga concerned state agencies na tumulong sa mga tinamaan ng lindol sa Region 1 at Cordillera Administrative Region.

Aniya, naglaan ito ng inisyal na P50 milyon para sa emergency employment sa dalawang rehiyon.

Ayon sa DOLE, ang Ilocos Sur ang epicenter ng 7-magnitude na lindol na tumama sa Luzon nitong unang bahagi ng linggo. Bukod sa pagkamatay ng apat na tao at pagkasugat ng daan-daan, nawasak din ng malakas na pagyanig ang mga ari-arian na nagkakahalaga ng bilyon, na nagresulta sa pagsasara ng mga tindahan at pagkawala ng trabaho.

Hindi nag-aksaya ng panahon ang DOLE para maghatid ng tulong sa Region 1 at CAR kung saan higit na naramdaman ang masamang epekto ng kamakailang kalamidad.

Upang mapalakas ang calamity response ng estado, sinabi ni Laguesma na sisimulan ng DOLE ang kanilang rehabilitation program para sa mga nawalan ng trabaho dahil sa trahedya.

“In particular, we are rolling out the Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/ Displaced Workers program for the quake victims,” dagdag ni Laguesma.

Sinabi ni Laguesma na sasaklawin ng programa ang apat na apektadong Munisipyo sa CAR kabilang ang 37 barangay sa rehiyon.

Sinabi ng labor chief na nagsimula na silang mag-profile ng mga benepisyaryo para sa TUPAD program.

Aniya, ang DOLE ay aktibong miyembro ng Rehabilitation and Recovery Cluster sa ilalim ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

“As such, we are mandated to reduce the vulnerability to risks of the poor and marginalized workers,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Laguesma na tinitingnan din ng DOLE na gumamit ng iba pang recovery measures na kinabibilangan ng employment facilitation sa pamamagitan ng Public Employment Services Office (PESO) para sa mga indibidwal na nawalan ng trabaho.

“The activity will include referral, placement, and the conduct of Special Risk Allowance (SRA) and job fairs in the region,” sabi pa ng kalihim.

Sa Rehiyon 1, naghatid ng tulong ang DOLE sa Ilocos Sur at nangakong tutulong sa ibang bahagi ng lalawigan sa mga susunod na araw.

Gamit ang TUPAD, sinabi ni Laguesma na nag-tap ang DOLE ng 800 emergency workers para lumahok sa paglilinis, paglilinis at pag-recycle ng mga operasyon sa Vigan City.

Ang mga katulad na gawain ay ginawa sa pitong iba pang mga bayan tulad ng Lidlidda, Sugpon, Caoayan, San Emilio, Galimuyod at Santa Cruz, aniya.

“They started working yesterday (July 28) to provide help to affected communities,” sabi ng Labor Secretary dagdag pa na kabuuang P4,666,400.00 ang inilaan para sa programa.

Sinabi ng kalihim na ang DOLE ay susuporta sa iba pang ugar na apektado ng sakuna.

“Help is on the way to the other three provinces of Region 1 where TUPAD will also come into play,” anang Labor secretary.

Ang mga field offices ng DOLE sa Region 1 ay nakikipag-ugnayan na rin sa local gvernement units at iba pang ahensya para sa convergent assistance.

Dagdag pa ng kalihim na ang TUPAD ay ang inisyal na hakbang ng DOLE upang tugunan ang pangangailangan ng mga biktima ng lindol.

“We shall tap other available programs very soon to help our needy countrymen,” ayon kay Laguesma. Jocelyn Tabangcura-Domenden