P50M pondo ilalabas ng gobyerno para sa OFWs

P50M pondo ilalabas ng gobyerno para sa OFWs

March 11, 2023 @ 4:24 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakatakdang maglabas ng P100 milyong pondo ang gobyerno para mabigyan ng P10,000 cash aid ang mga overseas Filipino workers na hindi pa nakakatanggap ng kanilang swelso mula sa ilang kumpanya sa Saudi na nagdeklara ng pagkalugi.

Ito ay makaraang lumagda ng memorandum of agreement ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Migrant Workers (DMW) na ilipat ang P50 milyon pondo sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), na magpapadali sa pamamahagi nito sa hindi bababa sa 8,000 benepisyaryo.

Ang iba pang P50 milyon ay manggagaling naman sa pondo ng DMW.

Inaasahan ni Social Welfare Secretary Rex Gatchalian na sa susunod na linggo ay maibaba na ang pondo.

Makikipag-ugnayan ang OWWA sa mga kasama sa listahan ng kuwalipikadong benepisyaryo, ani Migrant Workers Secretary Susan Ople.

“I think 10,000 is very modest but I hope it’s meaningful enough to help them out,” ani Ople.

Ayon kay Ople, hindi ilalabas ang maliban kung may ipapakitang valid ID dahil ang OWWA aniya ay may data base ng mga claimants.

Tutulak sa Saudi ang isang opisyal ng DMW sa susunod na linggo upang talakayin ang mga detalye ng ipinangakong kompensasyon para sa mga manggagawang Pilipino.

Aniya , ang DMW ay hindi maglalabas ng karagdagang mga detalye tungkol sa mga pag-uusap sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Saudi hangga’t hindi makukuha ang “kongkretong impormasyon,”  ani Ople.

Naapektuhan ng pagsasara ng Saudi Oger, Mohammad Al Mojil Group of Companies at iba pang katulad na lokasyon ng mga kumpanya noong 2015 ang nasa pagitan ng 8,000 at 10,000 overseas Filipino worker. Jocelyn Tabangcura-Domenden