P50M ‘undeclared products’ nasabat sa Subic

P50M ‘undeclared products’ nasabat sa Subic

December 28, 2022 @ 7:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Halos P50 miyong halaga ng undeclared at misdeclared products ang nakumpiska sa Subic Bay Freeport Zone at Subic Bay International Terminal Corporation, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) nitong Miyerkules.

Inihayag ng PCG na nakumpiska ng mga awtoridad ang 48 container vans karga ang mga produkto sa magkakahiwalay na operasyon noong December 15, 19, 20, at 21.

Nadiskubre ang mga sumusunod na produkto sa mga nasabing insoeksyon: frozen pork, beef, fish, at squid; red at white onions; carrot; chicken feet; canned abalone at beef; at fuel pump assembly na may lowry truck.

“According to the authorities, the estimated market value for the said undeclared /misdeclared products was P50 million,” ayon sa Coast Guard.

Sinabi ng ahensya na sasailalim ang mga produkto sa seizure at detention warrants sa Porac, Pampanga condemnation area. RNT/SA