P51M shabu nasabat, 44 durugista huli sa ‘Oplan Summer Time’

P51M shabu nasabat, 44 durugista huli sa ‘Oplan Summer Time’

May 5, 2022 @ 10:43 AM 3 weeks ago


BAGUIO CITY – Naging matagumpay ang programang ‘Oplan Summer Time’ ng Police Regional Office-Cordillera (PROCor) matapos makakumpiska ng higit sa P51-M halaga ng shabu mula sa 44 na aarestong suspek sa nasabing probinsya sa loob ng buwan ng Abril.

Sa pahayag ni Capt. Marnie Abellanida, PROCor information officer, may kabuuan 44 drug personalities ang hinuli at kinasuhan sa paglabag sa Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 simula Abril 4-30, 2022.

Ang naturang mga suspek ay nadakip mula sa iba’t ibang police unit sa 6 na probinsya at 2 lungsod na rehiyon.

Sinabi pa nito na ang 17 sa mga suspek at nasa listahan ng high-value individuals habang ang 27 ay pawang mga nasa listahan ng street level individuals.

Ang nasabing mga anti-illegal drug operations ay nagbunga ng pagkumpiska ng 49.33 grams na shabu; 71.14 kilograms dried marijuana; 600 ml marijuana oil; 148,180 fully grown marijuana plants; 6,848 marijuana seedlings, 5 kilos marijuana seeds; at 108 kilos dried marijuana stalks.

Ang mga nakumpiskang illegal drugs at mga sinirang marijuana at umabot sa P51,897,156./Mary Anne Sapico