P52M IPINAGKALOOB NG PCSO SA PNP, NBI AT CHED

P52M IPINAGKALOOB NG PCSO SA PNP, NBI AT CHED

November 25, 2021 @ 5:44 PM 3 days ago


UMABOT sa kabuuang halagang P52.28 million pesos ang ibinahagi ng Philiipine Charity Sweepstakes Office sa Philippine National Police, National Bureau of Investigation at sa CHED o Commission on Higher Education bilang STL o Small Town Lottery share at mandatory contribution mula sa Lotto nitong Martes, November 23.                                                                                                                       

 

Pinangunahan ni PCSO vice chairperson at general manager Royina Marzan Garma ang pagkakaloob ng tseke sa PNP na may halagang P22.058 million at P8.82 milyon sa NBI bilang 2nd quarter share ng mga ito sa kinita ng STL ngayong taon.

 

Paglilinaw ng PCSO, ang share ng PNP at NBI ay hindi para sa pang-araw-araw na anti-criminality operations nito kundi sa pangangailangang medikal ng mga tauhan at ng institusyon.

 

Halagang P21.40 milyon naman ang tinanggap ng CHED bilang 1% Lotto gross sale share nito alinsunod sa Republic Act No. 7722 o ang Higher Education Act of 1994.

 

Naging katuwang ni GM Garma sa pagkakaloob ng tseke sina Julieta Aseo, assistant general manager for Charity sector at Atty. Lauro Patiag, assistant general manager for branch operations.

 

Labis din ang pasasalamat ng PCSO sa pamunuan ng PNP at NBI na sina General Dionardo Carlos at director Eric Distor sa pagtulong sa ahensiya kaugnay sa kampanya nito kontra illegal gaming.

 

Ang STL at Lotto ay kabilang sa “Larong May Puso para sa Kawanggawa at Pag-ahon sa Pandemya”.

 

-ooOoo-

 

PCSO NAGKALOOB NG TULONG SA PANGASINAN

 

PINANGUNAHAN ni PCSO vice chairperson at general manager Royina Marzan Garma ang pagkakaloob ng tulong na binubuo ng food package, mga gamot at medical supplies and equipment na may kabuuang halagang P5.7 milyon pesos sa lalawigan ng Pangasinan.

 

Si GM Garma ay sinamahan nina North and Central Luzon department manager Maria Lourdes Soliman at PCSO Pangasinan assistant branch manager Divina Austria.

 

Tinanggap ng mga kinatawan ng mga local government units sa Narciso Ramos Gymnasium sa Poblacion, Lingayen ang mga donasyon na para sa  Agno, Aguilar, Asingan, Bautista, Binmaley, Burgos, Dasol, Infanta, Laoac, Lingayen, Natividad, San Jacinto, San Manuel, Santa Maria, Sison, Sual, Urbiztondo, Urdaneta city, at Villasis.

 

Kasabay nito ay nagpa-abot ng token of appreciation si PNP regional director Emmanuel Peralta ng Police Regional Office in Region 1.