P53.9M lotto jackpo natumbok ng lone bettor

P53.9M lotto jackpo natumbok ng lone bettor

July 20, 2022 @ 7:13 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Instant milyonaryo ang isang mananaya makaraang mahulaan nito ang winning combination ng Megalotto sa katatapos na draw kagabi.

 

Sa kalatas na inilabas ng Philippine Charity Sweepstakes Office, nahulaan ng mananaya ang kombinasyon na 06-17-40-45-39-13 na may premyong P53,920,694.20 kung saan nabili ang ticket sa isang outlet sa Las Piñas

 

Nasa 40 indibidwal naman ang makakapag-uwi ng tig-P32,000.00 makaraan makakuha sila ng lima sa anim na kombinasyon.

 

Ang Megalotto 6/45 ay binobola tuwing araw ng Lunes, Miyerkules at Biyernes. Toto Nabaja