P544B lump sum budget ng DPWH pinuna ni Pimentel

P544B lump sum budget ng DPWH pinuna ni Pimentel

October 2, 2022 @ 2:27 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Matinding pinuna ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang mahigit P544 billion lump-sum appropriations na nakalagay sa panukalang badyet ng Department of Public Works and Highway (DPWH) sa 2023.

Sa pahayag, sinabi ni Pimentel na hindi maliit na halaga ito dahil katumbas ang naturang pondo ng 75% ng kabuuang badyet ng DPWH sa susunod na taon na may P718.4 bilyon sa ilalim ng panukalang P5.268 trillion National Expenditures Program (NEP).

“In the spirit of transparency, I call on the DPWH to provide the details of this huge allocation, down to the last centavo, so the Senate and the public will be able to scrutinize it,” aniya.

“Every peso in the budget should be disaggregated. Lumang tugtugin na ang pagtatago ng bilyun-bilyong lump-sum. Let’s shun this practice,” ani Pimentel.

“Lump-sum amounts are prone to abuse and discretion.”

“For Congress to allow lump-sum appropriation in the budget is tantamount to giving the executive a blanket authority to spend, in the case of DPWH, P544 billion at its own discretion,” ayon pa sa Senate chief fiscalizer at kasalukuyang chairman PDP-Laban.

Pangkaraniwang nakatabi ang lump-sum funds sa central office ng ahensiya, aniya.

That of the P544 billion lump-sum appropriation, P213.95 billion are for convergence and special support programs, which includes P104.82 billion for SIPAG or Sustainable Infrastructure Projects Alleviating Gap and P52.45 billion for BIP or Basic Infrastructure Program,” paliwanag ni Pimentel.

Sinabi ni Pimentel na nagkaroon ng duplicate functins ang naturang programa – SIPAG at BIP – at may dahilan na lampas sa implementasyon ng national infrastructure program.

“Of the P544 billion, P10.89 billion will go for widening of primary roads, P11.46 billion for secondary roads, and P6.52 billion for tertiary roads,” aniya.

Kasama sa lump-sum funds ang P86.18 bilyon sa asset preservation program o road rehabilitation, reconstruction and upgrading.
Mula rito, P9.19 billion ilalaan sa preventive maintenance ng primary roads, P12.44 billion ng secondary roads, at P9.51 billion para sa maintenance ng tertiary roads.

“Saang distrito at barangay mapupunta itong bilyun-bilyong alokasyon?” kuwestiyon ni Pimentel.

Bukod sa paglabag sa prinsipyo ng transparency, nabahala si Pimentel na maaaring pagkunan ng pork barrel funds ang lump-sum funds na nauna nang idineklarang unconstitutional ng Supreme Court noong 2014.

“What I fear the most is it could be a rich source of pork barrel funds. That is why DPWH should disaggregate them and publicize the details immediately,” giit ni Pimentel. Ernie Reyes