P571M infra damage natamo sa hagupit ni Florita

P571M infra damage natamo sa hagupit ni Florita

August 30, 2022 @ 11:05 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Umabot na sa P571.1 milyon ang halaga ng pinsala sa imprastraktura dulot ng Severe Tropical Storm Florita.

Sa update nitong Martes, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na ang halaga ay sumasaklaw sa P546.7 milyon sa Ilocos Region at PHP24.4 milyon sa Cagayan Valley.

Samantala, tinatayang nasa P13.03 milyon ang pinsala sa agrikultura sa Rehiyon ng Ilocos habang nasa P10.85 milyon ang pinsala sa sistema ng irigasyon sa Calabarzon.

Nasa 95 ang mga nasirang bahay at ang mga ito ay naiulat sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon at Cordillera Administrative Region (CAR).

Humigit-kumulang 81 sa mga bahay na ito ang inuri bilang “partially damaged” habang 14 ang itinuring na “totally damaged”.

Umabot na sa 32,351 ang bilang ng mga apektadong pamilya na katumbas ng 131,235 katao na naninirahan sa 515 barangay (villages) sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, National Capital Region at CAR.

Sa mga ito, 294 na pamilya lamang o 1,013 indibidwal ang tinutulungan sa 21 evacuation centers habang ang natitira ay nakauwi na o humingi ng tirahan sa mga kamag-anak at kaibigan.

Ang bilang ng mga kumpirmadong nasawi ay nasa dalawa — tig-isa sa Ilocos Region at sa CAR. Tatlo ang kumpirmadong sugatan sa Cagayan Valley.

Sumasailalim pa rin sa verification ang mga ulat ng isang namatay at isa ang nasugatan sa Bicol. RNT