P581M inilaan para sa SPED program

P581M inilaan para sa SPED program

November 15, 2022 @ 10:06 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Mayroon nang P581 milyong alokasyon ang special education (SPED) program ng pamahalaan para sa 2023, ayon sa mga senador nitong Lunes.

Sa ilang oras na deliberasyon sa budget ng Department of Education (DepEd) sa Senate plenary, pinasalamatan ni Senator Sherwin Gatchalian ang committee on finance na hindi lamang ibinalik ang budget para sa SPED, bagkos ay tinaasan pa ito.

Nauna nan itong pinuna sa zero funding sa ilalim ng National Expenditure Program na isinumite ng executive sa Kamara. Sinabi ng DepEd na ibinasura ng Budget department ang initial request na ₱532 milyon at nangakong aayusin ito.

“Nevertheless, the ₱581M is a good number to maintain the operations of our special education or inclusive education program,” ani Gatchalian.

Sa halagang ito, gagamitin ang ₱96 million upang  i-convert ang SPED centers sa inclusive learning resource centers (ILRC) na susuporta sa mga serbisyo sa lahat ng uri ng marginalized at disadvantaged learners. Inihayag ni Gatchalian na ₱60 million pa ang kailangan upang makapagtatag ng 16 ILRCs sa buong bansa. RNT/SA