P59.5M ari-arian naabo sa sunog sa Cebu

P59.5M ari-arian naabo sa sunog sa Cebu

April 8, 2022 @ 5:51 PM 3 months ago


CEBU CITY – Tinatayang aabot sa 59.5-milyong pisong halaga ng ari-arian ang naabo sa sunog na sumiklab sa Legaspi Street sa Cebu City kaninang umaga.

Ayon sa Cebu City Fire Office, apektado sa nangyaring sunog ang 25 establisyimento na sumasakop sa dalawang lumang commercial building na pagmamay-ari ng isang Steven Jo.

Wala naming nasaktan sa sunog na nagsimula alas 8:00 kaninang umaga na inabot ng dalawang oras bago tuluyang naapula.

Iniimbestigahan pa ng mga bumbero ang sanhi ng sunog. RNT/ JCM