P5M alok para maalis sa BI blacklist, scam – BI

P5M alok para maalis sa BI blacklist, scam – BI

February 2, 2023 @ 1:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagbabala ang Bureau of Immigration na scam o peke, ang kumakalat ngayon sa social media na alok kung saan sa halagang P1 milyon hanggang P5 milyon ay maaari nang maalis ang pangalan ng isang indibidwal sa blacklist ng ahensya.

ā€œSa tingin po natin, isa po ito doon sa mga kumakalat na scams na nagi-invite po na mag-transact with them online,ā€ pahayag ni BI spokesperson Dana Sandoval sa panayam ng GMA News nitong Huwebes, Pebrero 2.

Ito ay makaraang makatanggap sila ng mga ulat na may mga nag-aalok online para matanggal ang pangalan sa blacklist ng BI.

Ani Movement for Restoration of Peace and Order (MRPO) chairperson Ka Kuen Chua, ang mga alok na ito ay kumakalat ngayon sa mga Chinese social media platform.

ā€œWe noticed po, na mention po during the Senate hearing that nakikita daw po itong mga advertisements na ito sa Facebook So we’re worried po na isa na naman ito sa mga scams na dati po naming ina-advise sa public,ā€ pagbabahagi pa ni Sandoval.

ā€œSo far po wala naman po tayong nakikita na mga kakaibang activities doon sa lifting ng blacklist or nung mga inclusion ng blacklist and other such immigration transactions po,ā€ pagpapatuloy niya.

Ayon kay Sandoval, milyon-milyon ang mga dayuhan na nasa blacklist ng ahensya.

ā€œIto po ay different immigration violations. Kasama na rin po diyan ā€˜yung mga indigency, mga overstaying, and other such violations,ā€ sinabi pa nito.

Samantala, mayroon umanong mahigit 300 foreign nationals ang naka-detain ngayon sa BI Warden Facility, na may 100 tao na capacity lamang. RNT/JGC