P5M pabuya alok ng DOJ vs Degamo killers!

P5M pabuya alok ng DOJ vs Degamo killers!

March 5, 2023 @ 8:38 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippiens – Nag-alok ng P5 milyong pabuya ang Department of Justice (DOJ) para sa sinomang makapagbibigay ng impormasyon sa nasa likod ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Sinabi rin ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na inatasan na rin ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang insidente.

Sa isang pahayag, sinabi ni Remulla na ang ahensya kasama ang lahat ng iba pang law enforcement agencies ay hindi magpapahinga hanggat hindi nakakamit ang hustisya.

“The violent and senseless manner by which the perpetrators carried out their plan cannot and will not be tolerated. Not only did they kill their target, but they killed innocent civilians along the way. There is absolutely no room for such evil doings in this country,” dagdag pa ng kalihim.

Napatay si Degamo habang siyam na iba pa ang sugatan nang pagbabarilin ng armadong kalalakihan habang ang opisyal ay namamahagi ng tulong sa mga residente sa Pamplona, Negros Oriental.

Ipinag-utos na rin ng Department of the Interior and Local Government sa Philippine National Police na magsagawa ng manhunt operations para sa killer ng gobernador.

Nagpakalat na rin ng mga tauhan ang Negros Oriental Provincial Police Office sa lugar para hulihin ang mga suspek, ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos. Jocelyn Tabangcura-Domenden