P6.4B investments nitong Enero, inaprubahan ng PEZA

P6.4B investments nitong Enero, inaprubahan ng PEZA

February 1, 2023 @ 2:31 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang nasa kabuuang P6.393 bilyon halaga ng investments para sa unang buwan ng 2023.

Sa year-on-year basis, lumago ng 83.69% ang booked investments sa PEZA mula sa P3.48 bilyon na inaprubahan nito sa kaparehong buwan noong 2022.

“The PEZA Board has approved a total of 19 new and expansion projects of ecozone locators and developer/operators expected to bring in P6.393 Billion investments,” ayon sa pahayag ni PEZA officer-in-charge Tereso Panga nitong Miyerkules, Pebrero 1.

Sa naturang halaga, ang inaprubahang investments ay binubuo ng 18 new at expansion projects — 11 para sa export manufacturing enterprises, apat sa facilities enterprise, dalawa sa IT enterprise, at isa para sa domestic market enterprise — na nagkakahalaga ng P2.277 bilyon.

Ang inaprubahan naman na P4.116 bilyon ay para sa isang economic zone development project.

“With the positive start of the year, we are bullish with our outlook this year, targeting a 10% investment growth based on the initial locator sector targets,” ani Panga.

Target ng PEZA ang 10% increase sa investments o mas mataas sa P140.7 bilyon na investments na naitala mula Enero hanggang Disyembre 2022, o 103.03% na mas mataas kumpara sa kaparehong panahon noon namang 2021.

“With the inclusion of the ecozone development program in the new Philippine Development Plan, we are positive that more ecozones will be approved and created especially in the countryside,” pagbabahagi ni Panga.

“Ecozones can be shields to soften the landing of the headwinds, the external constraints, and all these global disruptions happening especially during this time. The other side to this is that ecozones can be economic drivers to accelerate economic recovery and growth,” dagdag niya.

Sa ilalim ng PDP 2023-2028, inaatasan ang PEZA na pabilisin ang implementasyon ng ecozone transformation roadmap na magpapalawak sa iba’t ibang uri ng special economic zones na nakarehistro sa ilalim ng PEZA, kabilang ang “the new frontiers for ecozone development.” RNT/JGC